Computer shop na umano'y drug den sinalakay; 4 lalaki timbog

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2018 05:25 PM

Contributed photo

Sinalakay ng Southern Police District Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) ang isa umanong drug den sa Brgy. Sampaloc, Parañaque City matapos magpositibo sa kanilang ginawang surveillance operation.

Isang computer shop ang first floor ng gusali pero agad dumiretso ang mga operatiba sa second floor kung saan nakatira si Mcartney Ramos alias Ewa, na siyang target ng buy-bust operation.

Contributed photo

Arestado rin ang kapatid nitong si Joshua Ramos. 

Contributed photo

Nakuha sa suspek ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na nasa P50,000 ang halaga.

Contributed photo

Ayon sa mga pulis, ang computer shop sa ibaba ay ginagamit ng suspek sa mga transaksiyon ng droga.

Bukod dito, marami pa umanong computer shop na ginagawa na ring pugad ng ilegal na droga dahil sa magdamagang operasyon.
    
Kadalasang mga parokyano ang mga mismong naglalaro ng computer.

"Doon kasi nagkakaroon ng transaction, before na paakyatin niya ang mismong pusher... Mostly sila 'yung mga computer shop gamers," ani Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng SPD-DEU.

Aminado ang suspek na gumagamit siya ng droga pero itinanggi niya na sa kaniya ang mga nakuhang sachet.
    
Ipinatago lang daw sa kaniya ng kaniyang boyfriend ang isang bag na shabu pala ang laman.

Inaresto rin sina Michael Rebato at Arnold Manangkil, na nagko-computer lang umano sa baba.

Contributed photo

"Bigla po kaming sinama, bigla kaming dinampot. Naglalaro lang po kami," ani Rebato.

Contributed photo

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
    
-- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.