ALAMIN: Mga dapat gawin kapag may ashfall

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2018 04:57 PM | Updated as of Jul 26 2019 04:24 PM

Watch more in iWantTFC

Dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, mariin pa rin ang paalala ng mga eksperto na maging alerto sa panganib na dala ng ashfall o pag-ulan ng abo mula sa bulkan.

“Yung abo kasi is one of the major effects ng volcanic activity kung saan nagkaroon tayo ng dome collapse,” paliwanag ni Cedrick Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).

“Ang component po ng abo ay silica saka carbon kung saan hindi po ‘yan soluble sa tubig. ‘Pag nahinga mo po ‘yun, nandiyan lang po 'yun sa lungs mo at delikado po lalong-lalo na po sa mga may sakit sa baga,” dagdag pa niya. 

Ayon kay Daep, pinakamainam na proteksiyon mula sa peligrong dala ng abo ang pagsusuot ng face mask o paggamit ng basang tela.

“Pero ang recommendation po namin [ay] ‘yung damp cloth para po ‘pag napuno na 'yan ng abo, puwede nilang palitan at labhan 'yung ginamit,” aniya.

Maaari namang maging mahirap din ang paglalakad at pagmamaneho kapag makapal na ang abo sa lugar kaya ipinapaalala ng APSEMO na iwasan nang lumabas ng bahay.

“Ang zero visibility po, maha-handle mo lang ‘yan sa pamamagitan ng pag-stay inside your house. Stay indoors. Kung nasa labas, proteksiyonan lang ng ating ilong para hindi makalanghap," ani Daep.

Mahalaga rin aniya na proteksiyonan ang mga mata kung hindi maiiwasang lumabas sa kasagsagan ng ashfall. 

“Sa ngayon, pinagbabawalan po natin sila bumalik sa kanilang farm para kumuha ng produkto kasi mas importante po ‘yung buhay kaysa produktong makukuha nila sa farm," ani Daep.

Narito naman ang iba pang tips mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sakaling may pagbuhos ng abo sa inyong lugar.

Para sa dagdag na ligtas tips, sundan ang “Red Alert” sa Facebook at Twitter.

Mapapanood din ang Red Alert tuwing Miyerkoles pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.