2 suspek timbog, P386-K halaga ng ‘shabu’ nasabat sa Bacolod

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2018 09:43 PM

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Bacolod City Biyernes ng gabi. Kuha ng Moises Padilla Police

Nasabat ang nasa P386,000 halaga ng ilegal na droga sa isang tinaguriang high-value target sa Bacolod City Biyernes ng gabi.

Arestado ang suspek na si Carla Umaladhay at hinihinalang runner niyang si Romeo Gumban sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Camias, Barangay Villamonte.

Nakuha kay Umaladhay ang 5 malalaking plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatawag na "bulto" at 11 mas maliliit na pakete. 

Ayon sa pulisya, base sa taya ng Dangerous Drugs Board, ang isang bulto ng shabu ay may halagang P75,000 mula sa P25,000, habang ang isang gramo ay nagkakahalaga ng P1,000.

Mahaharap ang dalawang suspek sa mga kasong selling and possession of illegal drugs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.