10 bahay, nasunog sa Cotabato

Lerio Bompat, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2018 04:48 PM


COTABATO CITY - Nasunog ang 10 bahay sa Poblacion Tukananes dito, Sabado ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa bahay ng residenteng si Harisson Mamalindo bandang alas-9 ng umaga.

Naapula ang apoy bandang 10:25 ng umaga, ayon sa mga bombero.

Walang nasaktan sa insidente. Patuloy pang inaalam ng mga opisyal kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng mga ari-arian na nasira sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.