Dating CAFGU, arestado sa mga kaso ng rape sa Zamboanga del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2021 11:12 PM

Timbog ang isang dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na wanted sa patong-patong na kaso ng rape sa isinagawang operasyon ng Anti-Kidnapping Group Mindanao Field Unit sa bayan ng Sergio Osmeña sa Zamboanga del Norte nitong Lunes.

Arestado ang 34 anyos na si Alyas "Chel" na pinaghahanap ng batas mula pa noong Disyembre matapos lumabas ang warrant of arrest dahil sa reklamong ilang ulit na panghahalay sa 14 anyos na anak nito noong Marso at Agosto 2020.

Natunton ang suspek sa isang barangay kung saan ito nagtago.

Nakakulong sa Sergio Osmeña Municipal Police Station ang suspek na haharap sa mga kasong sexual assault at 3 counts of rape na isinampa laban sa kaniya. - Ulat nhi Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.