PatrolPH

1 patay, 1 sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2021 05:54 PM


Patay ang isang motorista matapos tamaan ng bombang sumabog sa bayan ng South Upi, Maguindanao nitong Martes ng umaga.

Dead-on-the-spot ang driver na si Albert Delos Santos habang sugatan naman ang angkas nito.

Galing umano ng Lebak, Sultan Kudarat ang mga biktima papunta ng Cotabato City at dumaan sa national highway ng barangay nang biglang sumabog ang isang improvised explosive device (IED), ayon kay Police Lt. Billy Fontanilla, hepe ng South Upi Police.

Wala umanong nakapansin na may itinanim na bomba sa kalsada.

“Yung checkpoint natin, medyo malayo doon. Hindi natin nacheck. Ongoing ang processing ngayon ng SOCO sa crime scene,” ani Fontanilla.

Hihigpitan ang seguridad sa lugar matapos rin ang insidente ng pananambang sa mayor at isang konsehal ng bayan, ayon sa pulisya.

May mga anggulo na silang tinitingnan sa posibleng motibo ng pagpapasabog ng IED, dagdag nito.

--Ulat ni Chrislen Bulosan

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.