Electrical short circuit o overloading ang ilan sa sinisilip na sanhi ng sunog na tumupok sa 6 bahay sa Davao City. Claire Cornelio, ABS-CBN News
DAVAO CITY — Tinatayang nasa P300,000 halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog na tumupok sa 6 bahay sa lungsod na ito noong Sabado, ayon sa mga awtoridad.
Bandang 3:25 ng madaling araw naiulat ang sunog sa may Purok 4, Barangay Bunawan at idinekalra itong fire out makalipas ang isang oras.
Electrical short circuit o overloading ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng sunog, ayon kay Senior Fire Officer 3 Ramil Gillado ng Davao City Central Fire Station.
"May nakarinig kasi na residente na nag-spark ang wire so sign iyon na electrical ang cause," ani Gillado.
Nakikitira muna sa mga kapitbahay at mga kamag-anak ang mga nasunugan. -- Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.