Umano'y tulak arestado sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2019 03:53 PM

Kalaboso ang isang waiter matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Davao City. Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Timbog ang isang lalaki matapos na mabilhan ng sachet ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Buhangin Police, Biyernes ng umaga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Chuck Singconiegue, isang waiter.

Ayon sa awtoridad, newly identified drug personality ang suspek at kadalasang pinagbebentahan nito ang kaniyang mga customer.

Aminado naman ang suspek na mahigit limang taon na siyang gumagamit ng ilegal na droga at naimpluwensyahan umano siya ng barkada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.