Pulis tinambangan sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2019 09:29 AM | Updated as of Jan 26 2019 09:44 AM

Papasok pa lang sa trabaho ang biktima nang pagbabarilin ng mga salarin sa Bacolod City. Martian Muyco, ABS-CBN News

BACOLOD CITY (UPDATE) – Patay sa pananambang ang deputy chief ng Police Station 6 sa lungsod na ito matapos tambangan sa harap ng isang eskuwelahan, Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si SPO4 Oscar Exaltado.

Naka-uniporme pa ang pulis dahil papasok sana ito sa trabaho nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga salarin.

Ayon sa nakasaksi sa insidente, bumaba sa SUV ang dalawang salarin at agad na sumakay sa nakaabang na dalawang motorsiklo.

Sinalubong pa nila ang biktimang sakay din ng motorsiklo. Nag U-turn ang mga salarin saka pinagbabaril ang pulis. 

Patuloy pa ngayon ang hot pursuit operation ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.