PH, Myanmar lumagda ng kasunduan sa pagpapalitan ng impormasyon

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2019 10:46 PM

Sa pangunguna ni Communications Secretary Martin Andanar, lumagda ng kasunduan ang Pilipinas at Myanmar upang mas mapalakas ang pagpapalitan ng impormasyon ng dalawang bansa. File/George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA—Lumagda ng kasunduan ang Pilipinas at Myanmar upang mas mapalakas ang pagpapalitan ng impormasyon ng dalawang bansa.

Pinangunahan ang lagdaan nina Communications Secretary Martin Andanar at Union Minister Pe Myint ng Ministry of Information ng Myanmar.

Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng pagpapalitan ng news and information ang dalawang bansa kabilang ang mga TV at radio report ng mga state-run media organization. 

Magkakaroon din ng pagsasanay sa pagitan ng mga government media personnel.

Sa isang panayam, sinabi ni Andanar na gamit ang kasunduan ay maiiwasan ang disinformation sa pagitan ng Pilipinas at Myanmar, at isang epektibong paraan umano ito upang mapigilan ang paglaganap ng umano'y "fake news."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.