Mag-ama patay sa sunog sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2019 04:24 PM

Sa banyo umano na-trap ang mag-ama habang nasusunog ang kanilang bahay sa Daraga, Albay. Karren Canon, ABS-CBN News

DARAGA, Albay – Nasawi ang isang 25 anyos na lalaki at ang kaniyang 5-taong gulang na anak matapos na masunog ang kanilang bahay sa Barangay Binitayan dito sa bayan, Biyernes ng gabi.
 
Na-trap umano sa banyo si Dennis Marco at anak na si Eboy habang nasusunog ang bahay nila alas-10 ng gabi.

Tulog umano ang mag-ama nang unang sumiklab ang apoy at hindi na sila nakalabas pa ng bahay.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, lumalabas na electrical problem ang posibleng ugat ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.