2 magsasaka timbog matapos makunan ng hinihinalang shabu sa S. Cotabato

Francis Canlas, ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2018 05:43 PM

SANTO NIÑO, South Cotabao- Arestado ang 2 magsasaka sa bayang ito Biyernes ng madaling araw matapos silang makunan ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Tong Kawit at Jerald Dagadas na 18 anyos pa lamang.

Nakuha sa bahay ni Kawit ang 5 sachet ng hinihinalang shabu, samantalang 6 na sachet naman ng hinihinalang ilegal na droga ang nakuha mula kay Dagadas. Tinatayang higit P30,000 ang halaga ng mga nasamsam na droga.

Pareho namang itinanggi ng 2 suspek na sangkot sila sa ilegal na droga.

Nagsagawa rin ng raid ang mga awtoridad sa bahay ng iba pang katao ngunit hindi naaresto ang mga ito. Kinilala ang iba pang target ng raid na sina Noel Eday, Norhata Kansai, at Jokarno Delangalen.

Walong sachet ng hinihinalang droga ang nakuha mula sa bahay ni Delangalen, samantalang 6 na sachet naman ang nakuha mula sa bahay ni Kansai.

Apat na sachet naman ng hinihinalang shabu ang nakuha sa bahay ni Eday.

Mahaharap sa kasong possession of dangerous drugs ang mga suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.