Pampasaherong bus, tumagilid sa EDSA

Ron Lopez, DZMM

Posted at Jan 26 2017 11:25 PM

MANILA — Tumagilid ang isang pampasaherong bus sa southbound lane ng EDSA Estrella sa Makati City 9 p.m. Huwebes.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), may mga sakay na pasahero ang RRCG bus na may plate number na ACM 2700. 

Nagpadala na ng ambulansya ang MMDA sa lugar ngunit hindi pa matukoy ang lagay ng mga pasahero. Mayroon na ring mga traffic enforcer upang magmando sa lugar.

Tatlong lane ng EDSA southbound na kasalukuyang ukupado ng nasabing bus kaya't paalala sa mga motorista na humanap ng alternatibong ruta upang maiwasan ang trapiko sa lugar.