PatrolPH

Abogado, court employee pinagbabaril sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2023 10:40 PM

Kuha ng Palo MDRRMO
Kuha ng Palo MDRRMO

Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang abogado at isang process server ng Regional Trial Court Branch sa Tacloban City matapos silang pagbabarilin sa Palo, Leyte umaga ngayong Miyerkoles.

Ayon sa Police Regional Office 8, ang mga biktima ay kinilalang sina Atty. Alexander Lacaba, 60, isang private lawyer at Adolfo Perilla, 59, process server ng Branch 43 ng Regional Trial Court.
 
Ang suspek ay nakilalang isang magsasaka at residente ng Brgy. Cavite West, Palo, Leyte.

Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, magpapatupad ng writ of demolition ang mga biktima sa bahay ng suspek, nang bigla nalang itong magpaputok ng kaniyang baril kung saan tinamaan ang dalawang biktima.

Agad na dinala sa hospital ang mga biktima at agad na nahuli ang suspek.

Nakuha naman mula sa suspek ang isang caliber .45 na ginamit sa pamamaril.

Inihahanda na ng Palo Municipal Police ang kasong frustrated murder at paglabag ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek. — Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.