PatrolPH

82 anyos na lolo na umano'y ilang taon nang hinahalay ang apo, arestado sa E. Samar

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2022 11:15 PM

Matagumpay ang isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa Eastern Samar matapos na mahuli ang isang 82 anyos na lalaki dahil sa kasong statutory rape.

Isinagawa ang operasyon Sabado ng hapon sa isang barangay sa Maydolong, Eastern Samar.

Arestado ang suspek sa bisa ng inilabas na arrest warrant ng RTC Branch 2-Borongan City nitong December 2021 sa kasong statutory rape. Walang inirekomendang piyansa ang korte.

Ayon pa sa impormasyon mula sa Eastern Samar Police Provincial Office nag-ugat ang kaso ng lolo dahil sa paulit-ulit nitong panghahalay sa apo mula pa noong 2016.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Maydulong Municipal Police Station.

- ulat ni Ranulfo Docdocan
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.