PatrolPH

2 nagbebenta ng fake vax cards sa mga pasahero timbog sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2022 05:04 PM


Arestado ang 2 barker dahil sa pagbebenta umano ng mga pekeng COVID-19 vaccination card sa mga hindi bakunadong pasahero sa Pasay.

Ayon sa Pasay police, nakatanggap sila ng tip noong Lunes tungkol sa pagbebenta ng 2 suspek ng mga pekeng vaccination card sa halagang P500.

Ito'y sa gitna ng pag-iral ng "no vaccine, no ride" policy sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Kasunod ng ulat, inimbitahan sa presinto ang mga suspek, na nakuhanan ng mga pekeng vaccination card at cellphone na naglalaman ng mga ilegal na transaksiyon, ayon sa pulisya.

Itinanggi ng mga suspek ang paratang.

Inihahanda na ng Pasay police ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa dalawa.

—Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

 RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.