Pari patay sa pamamaril sa Bukidnon

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2021 03:06 PM

Natagpuang patay sa pamamaril noong gabi ng Linggo ang isang pari sa Malaybalay, Bukidnon, sabi ng pulisya.

Kinilala ng Malaybalay police ang biktima bilang si Fr. Rene Regalado, na natagpuang duguan sa labas ng kaniyang sasakyan malapit sa Malaybalay Carmel Monastery.

Ayon kay Col. Jerry Tambis, hepe ng Malaybalay police, tinitingnan nila kung may kinalaman ang pagkamatay ng pari sa adbokasiya nito laban sa illegal logging.

Dati rin umanong nadawit sa sex scandal si Regalado, ayon sa pulisya. 

Pabalik si Regalado sa St. John College XXII Seminary nang barilin, ani Tambis.

May nakita umanong contusion sa mata ng pari at baril malapit sa natagpuang bangkay.

Walang nawalang gamit mula sa pari at walang nakitang tama nang bala ang sasakyan.

Hinihintay ngayon ang autopsy report sa pari.

Nanawagan naman ng hustisya ang Archdiocese of Malaybalay at hiniling na patuloy na ipagdasal ang yumaong si Regalado.

-- Ulat ni PJ dela Peña

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.