Photo courtesy of DOST- Phivolcs
MAYNILA — Remnant lamang o tira sa pagputok ng bulkang Mayon ang pagbanaag nito kamakailan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
"Earlier ng 2020, nakita na natin ‘yung pagbabanaag. Hindi siya recent lang. Continuous natin siyang na-observe," sabi ni Phivolcs Legazpi resident volcanologist Paul Alanis.
"Remnant siya noong pagputok noong 2018. Ibig sabihin, tira lang ‘yan na hindi nailabas nang pumutok," dagdag niya.
Ani Alanis, "mainit ‘yung material kaya nagbabanaag."
"Pero very light lang siya. Makikita mo lang yung crater glow using a telescope,” aniya.
Ayon sa Phivolcs, kahit may pagbabanaag, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang estado ng bulkan.
Anila, mababa rin kasi ang ibang parametrong tinitingnan nila para itaas ang alerto nito.
“Wala pang significant reason para itaas ang alerto niya. Wala naman tayong nakikita pang significant increase sa volcanic quakes at wala pa namang pamamaga ng bulkan."
Sa kabila nito, muling paalala ng Phivolcs na nariyan pa rin ang posibilidad ng pagputok ng bulkan anumang oras kahit wala itong ipakitang indikasyon.
Mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.
- Ulat ni Karren Canon
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog News, Mayon volcano, Mayon, Alert Level 1, remnant, Phivolcs, regions, regional news, volcanic eruption, pagsabog ng bulkan, remnant of volcanic eruption