Sugatan ang isang 20 anyos na lalaking nakasakay ng e-bike matapos mabiktima ng hit-and-run sa Quezon City. ABS-CBN News
MAYNILA — Sugatan ang isang 20 anyos na lalaki matapos mabiktima ng hit and run habang nakasakay sa e-bike sa Quezon City.
Bibili lang sana ng ulam sa Barangay Paltok noong gabi ng Biyernes ang biktimang si Edsel Dimalaluan nang masagi ng isang van.
Sa kuha ng CCTV sa insidente, isang asul na van ang nakahagip sa kaliwang manibela ng e-bike. Pero imbes na hintuan, dumire-deretso ang sasakyan papuntang West Avenue.
May ilaw ang harap at likod ng e-bike kaya panatag umano si Dimalaluan, na nagtatrabaho bilang caretaker, na lumabas sa gabi.
Tinulungan din umano siya ng mga kasunod na motorista matapos ma-hit-and-run.
Panawagan naman ni Dimalaluan sa driver ng van: "Wag naman niya takbuhan. Ka-karma-hin din 'yan eh."
Nakikipag-ugnayan na si Dimalaluan sa mga awtoridad para mahanap ang van, lalo't wala itong plaka.
-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
FROM THE ARCHIVES:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, road accident, hit and run, aksidente, e-bike, metro, metro news, krimen, Quezon City