PatrolPH

Dacera case: Bisita sa Room 2207 lumantad, 'party drugs' issue sinagot

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2021 09:33 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Sa kauna-unahang pagkakataon, isa sa mga guest sa Room 2207, o katabi ng kuwartong nirentahan ng grupo ni Christine Dacera, ang nagsalita ukol sa gabi bago ang kontrobersiyal na pagkamatay ng flight attendant. 

Humarap si Jake Esteron sa ABS-CBN News at ikinuwento ang mga nangyari. 

"Nagulat ako sa TV, John Doe 5 ako, sabi ko bumisita lang ako doon, gusto ko lang makita 'yung mga kaibigan ko, tapos ganyan ang nangyari," ani Esteron.

Kuwento ni Esteron, humabol siya sa City Garden Grand Hotel ilang minuto bago ang New Year's countdown.

Sa CCTV ng hotel, nakita si Dacera at ilan sa mga kaibigan nito na nagpapalipat-lipat sa Room 2207 mula sa kanilang kuwarto sa 2209.

Ayon kay Esteron, doon lang niya nakilala sa party si Dacera.

"May mga games, hephep-hooray, cards, at taguan ng pera," aniya.

May inuman daw pero walang party drugs.

Ang natagpuan ng mga imbestigador na white granule substance sa kanilang kuwarto, hindi droga kundi asin.

"Para sa tequila yon. Dini-dip 'yung lemon doon sa asin, 'yun ang parang partner niya," aniya.

–Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.