PatrolPH

Bata, 3 iba pa patay sa banggaan sa Zamboanga Sibugay

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2021 11:25 PM

Patay ang isang 4-anyos na bata at 3 iba matapos banggain ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang pick-up sa Upper Tungawan, Zamboanga Sibugay nitong Lunes ng tanghali.

Ayon sa report ng Police Regional Office-9, nawalan ng kontrol sa kaniyang sasakyan ang drayber ng pick-up dahil sa nakakalat na lupa sa kalsada, na naging sanhi para bumangga siya sa pasalubong na motorsiklo ng mga biktima.

Kabilang sa mga namatay ang 4-anyos na si Zian Arquiza, Arnold Arquiza, Hazel Pepito Wamilda, at ang drayber ng motor na si Diosdado Villaruez.

Nakaligtas naman ang isang 1-anyos na bata na angkas din ng motor.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang drayber ng pick-up.--Ulat ni Leizel Lacastesantos


RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.