Lalaki patay sa banggaan ng tricycle, bus sa Negros Oriental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 07:48 PM

Kuha ng Zamboanguita PNP


Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang kaniyang minamanehong tricycle sa isang bus Biyernes ng gabi sa highway ng Zamboanguita sa Negros Oriental.

Kinilala ang driver na si Rogelio Trinidad, 52.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bumabaybay sa magkabilang lane ang tricycle at bus nang biglang mag-overtake si Trinidad sa sinusundan niyang dalawa ring tricycle.

Ayon sa pulisya, hindi agad nakabalik sa kaniyang linya si Trinidad kaya nabangga siya ng bus na kasalubong.

Sinubukan pa umanong huminto ng bus pero nabangga pa rin nito ang tricycle dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Trinidad, na agad nasawi. 

Agad namang sumuko sa pulisya ang bus driver, na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may sala talaga o wala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.