ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Metro Manila, Enero 24-27

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 07:05 PM | Updated as of Jan 25 2020 07:54 PM


MAYNILA - Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na inaasahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko ngayong weekend dahil sa mga isinasagawang road reblocking sa ilang pangunahing lansangan. 

Nagsimula ang pagkukumpuni alas-11 ng gabi noong Biyernes, Enero 24. 

Narito ang mga apektadong lugar: 

SOUTHBOUND

  • EDSA mula Bulacan Street hanggang West Avenue
  • A. Bonifacio St., malapit sa J. Manuel St. 

WESTBOUND

  • Quirino Highway, mula Nightingale hanggang Zabarte Road 
  • Katipunan Avenue, unang linya mula sa center island, katapat ng UP Town Center. 

 EASTBOUND

  • General Luis St., bahagi ng Rebisco road hanggang Samote Street
  • Elliptical Road, kanto ng Maharlika Street. 

Habang sa eastbound lane ng Elliptical Road, nagpapatuloy din ang road reblocking sa kanto ng Maharlika Street.

Magtatagal ang mga road reblocking hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes. 

Inabisuhan ang mga motorista sa dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.