#WalangPasok: Klase sa Northern Samar, suspendido ngayong Enero 25

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 04:38 AM

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Northern Samar ang klase mula preschool hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong Biyernes, Enero 25.

Sa memorandum na pinirmahan ni Northern Samar Vice Governor Gary Manook Lavin, bunsod ito sa malakas na pagbuhos ng ulan dala ng tail-end of a cold front na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide. - ulat ni Sharon Evite, ABS-CBN News