Waiter, nakuhanan ng 3 sachet ng shabu sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 08:44 AM

DAVAO CITY - Diretso sa kulungan ang isang waiter matapos niyang bentahan ng shabu ang mga undercover na pulis dito sa lungsod, Huwebes.

Nakuha ang 2 sachet ng shabu mula sa 27-anyos na suspek nang siya ay arestuhin sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Hizon.

Matagal na umano nilang mino-monitor ang hindi pinangalanang suspek, sabi ng mga pulis.

Umamin naman ang suspek na gumamit siya ng ilegal na droga matapos umano siyang maimpluwensyahan ng barkada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.