PatrolPH

Drug personality patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 06:04 PM

Drug personality patay sa pamamaril sa Negros Occidental 1
Naglalakad lamang ang biktima nang pagbabarilin ng mga salarin na sakay ng dalawang motorsiklo sa Kabankalan City, Negros Occidental. Larawan mula sa Kabankalan City Police


KABANKALAN CITY, Negros Occidental - Isang itinuturing na drug personality sa lungsod ang patay matapos pagbabarilin sa Barangay Hilamonan, Huwebes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Kabankalan Police, naglalakad ang 52 anyos na si Jose Bugalon galing sa kaniyang bahay nang pagbabarilin ng mga salaring sakay ng dalawang motorsiklo.

Agad na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril. 

Limang basyo at isang slug ng kalibre .45 na baril ang narekober ng awtoridad sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.