Covered court gumuho sa Misamis Oriental; 2 sugatan

Cris Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 06:31 PM

Kasalukuyan pa umano ang konstruksiyon ng basketball court sa bayan ng Naawan nang gumuho ito. Handout

NAAWAN, Misamis Oriental—Dalawa ang sugatan sa pagguho ng covered court sa loob ng Linangkayan Elementary School sa bayang ito Biyernes ng umaga.

Nakilala ang mga nasugatang trabahador na sina Jonas Taub, 20, at Joel Tamparong, 40.

Ayon sa ulat ng Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, minor injuries ang natamo ng dalawa at kapwa nasa maayos na kalagayan.

Iniimbestigahan na rin ng Provincial Engineering Office ang insidente kung saan kasalukuyan pa ang konstruksiyon sa naturang proyekto at hindi pa ito nai-turn over ng contactor sa provincial government ng Misamis Oriental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.