Comelec, may trabahong alok sa mga PWD para sa Halalan 2019

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 03:57 PM | Updated as of Jan 25 2019 06:09 PM

Naghahanap ang Office for Overseas Voting ng Commission on Elections (COMELEC) ng mga staff na persons with disability (PWD) para sa nalalapit na pagsisimula ng overseas absentee voting. 

Sa abiso ng Comelec, dapat ay edad 18 pataas ang mga mag-a-apply. 

Kailangan lamang sa mga aplikante ang kakayahan na mag-insert o magpasok ng mga papel sa envelopes para sa mailing section. 

Bukod kasi sa mga lugar sa ibang bansa na automated na ang overseas absentee voting, may ilang lugar pa rin na ipapadala sa mga botante ang balota abroad sa pamamagitan ng postal service o koreo.

Kabilang sa tatanggapin ng Comelec ang may autism at Down syndrome.

Magsisimula ang overseas absentee voting sa Abril 13, 2019.

-- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.