Babae patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 03:51 AM

Patay ang isang 39 anyos na babae matapos umanong barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa kasama sa bahay ng biktima, nakita na niyang duguan ang katawan ng biktima matapos bumili sa labas ng pagkain para sa kanilang dalawa.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni, Batasan Police Station, nasa loob ng kaniyang tindahan ang biktima nang malapitang barilin ng mga suspek.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril. — Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.