ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Kamaynilaan, Enero 25-28

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 03:30 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula gabi ng Biyernes, Enero 25. 

Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi Biyernes, hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Enero 28, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND 

  • C-5 Road bago mag-Julia Vargas St.
  • C-5 Road sa harap ng SM Aura
  • EDSA sa harap Home Depot, papuntang Kaingin Road (Ikaapat na lane mula sa center island)
  • EDSA pagkatapos ng Lagarian Creek to Ermin Garcia (sa tabi ng MRT) 

NORTHBOUND:

  • Magsaysay Blvd. Pureza R. Magsaysay Bridge

Magkakaroon naman ng restoration o concreting works ang Maynilad at Globe Telecom sa mga sumusunod na lugar: 

  • Mindanao Ave. (southbound) mula Socorro St. hanggang Mindanao Ave. (Unang lane mula sa bangketa)
  • West Ave. (southbound) Baler St. hanggang Examiner St. (Unang lane mula sa bangketa)
  • Commonwealth Ave. cor. Soliven

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.