PatrolPH

7 tiklo sa drug session sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 05:30 AM | Updated as of Jan 25 2019 07:08 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 7 katao sa drug session sa isang apartelle sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City Biyernes ng madaling-araw.

Narekober sa kuwarto ang 12 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sinalakay ng mga pulis ang apartelle matapos magpositibo ang buy-bust operation laban kay alyas Ines. Nakabili ang undercover police sa suspek ng kalibre .38 na baril.

Ayon sa pulisya, ginagamit umano ng mga suspek ang apartelle para mag-drug session. Itinanggi naman ni Ines na sangkot siya sa gun-running.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

Mahaharap din si Ines sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. - ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.