5 timbog sa anti-drug ops sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 05:31 AM | Updated as of Jan 25 2019 07:06 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang 5 katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City Huwebes ng gabi.

Balik-kulungan si alyas Cris matapos mahuli sa 20th Ave., Cubao. Nakuha sa kaniya ang 10 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, nakalaya nitong Mayo ang suspek sa parehong kaso.

Sa Barangay Pasong Tamo, timbog ang 2 lalaki matapos mahulihan ng 10 sachet ng umano'y shabu.

Napag-alaman din ng barangay na kalalaya lang ng mga suspek matapos makulong sa ibang kaso.

Samantala, nahuli ang mag-live-in partner sa Barangay Culiat dahil din sa droga. Narekober sa kanila ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Kakasuhan ang 5 ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.