29 huli sa anti-crime ops sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 04:44 AM | Updated as of Jan 25 2019 07:04 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Dinampot ng mga pulis ang 29 katao sa magkahiwalay na anti-criminality operation sa Pasay City Huwebes ng gabi.

Kabilang sa mga nahuli ang mga barker o nagtatawag ng pasahero sa gitna ng kalsada.

"Nagca-cause ng traffic... may designated na sakayan naman ng pasahero," ani Supt. Deanry Francisco ng Pasay City police.

Meron ding naaktuhang umiinom sa kalsada na paglabag sa ordinansa ng siyudad.

Bahagi ang anti-criminality operation sa pagresponde ng pulisya sa mga sumbong ng concerned citizens. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.