2 sundalo sugatan sa pagsabog, engkuwentro sa Sultan Kudarat

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 09:17 PM

Sugatan ang 2 miyembro ng Philippine Marines matapos ang pagsabog na sinundan ng engkuwentro sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat noong Miyerkoles.

Kinilala ang mga nasaktan na sina Staff Sgt. Erwin Pallon at Cpl. Dionisio Lava.

Nagtagal ng 5 minuto ang palitan ng putok ng gobyerno at miyembro ng New People's Army (NPA) Guerilla Front 73, ayon sa militar.

Isa pang improvised explosive device ang natagpuan matapos ang engkuwentro.

"Kung matatandaan may mga sinunog na equipment diyan nung nakaraan," ani Major Arvin Encinas, chief ng 6th Infantry Division Public Affairs Office.

"Hindi ganon kakapal ang mga NPA sa area at pilit lang na pumapasok."

Patuloy na minomonitor ng militar ang galaw ng mga rebelde sa lugar para hindi na makapag-recruit ng mga bagong miyembro at tuluyang maitaboy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.