Truck nahulog sa bangin sa Butuan City

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2018 12:37 PM

Kuha ni Richmond Hinayon

Isang truck ang nahulog sa bangin sa Purok 3, Barangay Amparo, Butuan City ala-una ng madaling araw nitong Huwebes.

Kuha ni Richmond Hinayon

Ligtas ang driver ng truck ngunit hindi pa ito muling nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad matapos magdahilang maghahanap ng pera upang mai-tow ang dumausdos na sasakyan. 

May kargang grader ang truck nang mawalan ng kontrol ang driver pagsapit sa isang kurbada sa nasabing lugar.

Kuha ni Richmond Hinayon

Bumangga ito sa guardrail bago tuluyang nahulog sa bangin.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente upang malaman kung nagkaproblema rin ang sasakyan.

Kuha ni Richmond Hinayon

Itinuturing na accident-prone ang lugar kaya't hinihikayat ang mga dumaraang motorista na maghinayhinay lang sa pagpapatakbo ng kanilang sasakyan.

May inilagay din na mga harang sa bangin.

--Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.