Norwegian national, arestado matapos magnakaw ng ham

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2018 07:54 AM

Kalaboso ang isang Norwegian national matapos magnakaw ng ham sa isang supermarket sa Malate, Maynila Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Mike Peter Miller, 55-anyos, pansamantalang tumutuloy sa isang pension house sa Malate.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District - General Assignment and Investigation Section, pumasok sa supermarket si Miller at dumampot ng ham na nagkakahalaga ng P300.

Pasimple itong lumabas sa supermarket pero namataan ng security guard kaya't sinita.

Walang naipakitang resibo ang suspek kaya't dinala sa MPD at ngayo'y nahaharap sa kasong theft.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.