'No. 4 most wanted' sa Caloocan, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2018 04:31 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang no. 4 most wanted person ng Caloocan police na suspek sa pagpatay ng isang binatilyo.

Kinilala ang suspek na si Roberto Apolto, isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Ayon kay Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, apat na taong nagtatago sa batas ang suspek.

"Nakadisgrasya na nga, napakalakas pa ng loob na magpakita," aniya.

Ayon sa imbestigasyon, nakaaway umano ng biktimang si Lermo Vargas Jr., 14-anyos, ang pamangkin ng suspek dahil sa larong taksing.

Dito na umano sumugod ang suspek at binaril ang binatilyo.

Katwiran naman ng suspek, self-defense lamang ang kanyang ginawa.

"Nangyari na kasi 'yun. Wala naman may kagustuhan nun, 'di ba?" aniya.

Labis ang sayang naramdaman ng nanay ng biktima sa pagkaaresto ng suspek.

Sunod-sunod na suntok naman ang tumama sa suspek mula sa kapatid ng biktima.

"Magdusa ka sa kulungan habang buhay," ani Lerma Vargas.

Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang isa pang suspek sa pagpatay na kinilalang si Rosalie Flores. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.