2 patay; alkalde, kongresista, 10 iba pa sugatan sa pagsabog sa pista sa Abra

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2018 07:52 AM | Updated as of Jul 22 2019 01:33 PM

Sumabog ang isang hinihinalang granada sa plaza ng La Paz, Abra, Huwebes ng madaling araw. Kuha ng La Paz Municipal Police Station

MAYNILA - (UPDATE) Patay ang 2 pulis habang sugatan ang 12 pa, kabilang ang isang alkalde at kongresista, sa pagsabog ng hinihinalang granada sa plaza ng La Paz, Abra, Huwebes ng madaling araw. 

Kinilala ang mga namatay na sina PO3 Carlos Bocaig at PO2 Frenzell Kitoyan ng La Paz municipal police.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kinilala naman ang nasugatang mga opisyal na sina La Paz Mayor Menchie Bernos at mister nitong si Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos. Di pa kinikilala ang iba pang nasugatan sa insidente. 

Ayon kay Abra Gov. Jocelyn Bernos, nagtamo ng minor injuries ang mag-asawa.

"They only had minor injuries so yung shrapnel lang po sa paa ni Mayor Menchie, hindi naman po sila maraming sugat, galos lang po," ani Bernos.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa Cordillera police, nangyari ang pagsabog 1:30 ng madaling araw habang nagkakaroon ng fireworks display na bahagi ng mga pagdiriwang ng pista sa lugar.

May hawak nang suspek ang mga awtoridad at patuloy ang kanilang imbestigasyon. --May ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News