PatrolPH

Taguig naglaan ng 10,000 libreng molnupiravir capsules

Anna Cerezo, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2022 07:36 AM

Watch more News on iWantTFC

Namahagi ng oral na gamot para sa COVID-19 ang lungsod ng Taguig sa mga residenteng nangangailangan nito. 

Nasa sampung libong capsules ng molnupiravir ang tinurnover ng LGU sa City Health Office para ibigay sa mga pasyente.

Ang COVID-19 patients ng Taguig ay maaaring humingi ng anti-viral na gamot sa pamamagitan ng pagtawag sa Telemedicine ng kanilang mga barangay. 

Pero ang mga pasyente ay susuriin muna ng doktor para masiguro na kailangan niya ang gamot.

Ihahatid ito mismo sa kanilang bahay nang walang bayad.

Noong Disyembre unang nagbigay ang Food and Drug Administration o FDA ng emergency use authorization para sa paggamit ng molnupiravir. 

Ayon kay Mayor Lino Cayetano layunin ng programa na mapababa ang rate ng hospitalization sa lungsod.

Base sa huling tala ng Taguig, mayroong 599 active COVID-19 cases ang lungsod. 

ABS-CBN News, January 24, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.