PatrolPH

2 babae na nagbebenta ng pekeng COVID-19 vaxx card, timbog

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2022 07:06 AM | Updated as of Jan 24 2022 08:15 PM

Watch more News on iWantTFC

Timbog ang dalawang babae matapos mahuling nagbebenta ng mga pekeng COVID-19 vaccination card sa Marikina City. 

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ro­velyn Lebores, 37-anyos, computer shop attendant at residente ng Blk 39. Farmers 1 St., kasama niya si Alma Ramirez, 43-anyos mula naman sa Blk 42 Mais Street na pawang mula sa Brgy. Tumana, Marikina City. 

Ayon sa pulisya, huli sa akto ang dalawa sa paggawa ng mga vaccination card sa mismong computer shop na kanilang pinagtatrabahuhan. 

Una nang nakatanggap ng tip ang mga otoridad na ang nasabing computer shop ay nagpi-print ng mga pekeng vaccination card kaya’t nagsagawa ng agarang operasyon na ikinaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska ng pulisya ang isang set ng computer na ginagamit ng mga suspek sa kanilang ilegal na aktibidad, gayundin ang ilang printed fake vaccination cards na ipinagbibili nila sa halagang P250.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.