PatrolPH

SUV, bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Ortigas sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2021 08:44 AM

SUV, bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Ortigas sa Mandaluyong 1
Tatlo ang sugatan nang mabangga ang isang SUV sa mga barrier sa EDSA-Ortigas flyover sa lungsod ng Mandaluyong. Jekki Pascual, ABS-CBN News

MAYNILA - Muli na namang nagkaroon ng aksidente sa EDSA-Ortigas flyover sa lungsod ng Mandaluyong.

Tatlo ang sugatan nang mabangga ang isang SUV sa mga concrete barrier. 

Sa lakas ng impact, sira ang ilang barriers at napa-angat pa ang sasakyan sa barrier.

Watch more on iWantTFC

Natumba ang barrier sa ilang lanes sa EDSA, kabilang na sa EDSA busway. Kaya naantala rin ang biyahe ng mga bus kasi hindi makadaan sa bus lane.

Napilitang dumaan ng bus sa lane ng private cars na iisa rin ang dinaanan dahil sa pangyayari.

Galing umano ang driver at mga kasamahan nito sa Bulacan at pauwi na nang hindi mapansin ang mga barriers sa lugar. Dinala sila ng MMDA rescue team sa ospital. 

Ilang sasakyan na rin ang nababangga sa mga concrete barrier sa EDSA-Ortigas flyover southbound lane nitong nakalipas na mga buwan.

- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.