Kotse bumangga sa concrete barrier sa EDSA-Ortigas flyover. Jekki Pascual, ABS-CBN News
MAYNILA - Nabangga ang isang kotseng dumaan sa bus lane, sa mga concrete barrier sa EDSA-Ortigas flyover sa lungsod ng Mandaluyong.
Nawala sa puwesto ang ilang barrier dahil sa pagkabangga, kaya naapektuhan ang trapik sa lugar, Linggo ng madaling araw.
May sira sa harapan at likuran ng kotse. Swerteng wala naman nasugatan sa insidente.
Galing umano ng Pangasinan ang driver na dumalo sa libing ng kaanak at pauwi na sa Rizal.
Aminado ang driver na nakaidlip siya kaya 'di nakontrol ang sasakyan hanggang sa bumangga sa mga barrier.
Agad namang rumesponde ang mga taga-MMDA para maayos na makadaan ang ibang mga sasakyan.
Dahil dumaan sa bus lane ang kotse, posibleng pagmultahin ang driver ng isang libong piso.
Maraming aksidente na rin ang naitala sa EDSA-Ortigas flyover southbound lane. Laging merong nababangga sa mga concrete barrier sa lugar.
- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
accident, EDSA, Ortigas, EDSA-Ortigas, EDSA-Ortigas flyover, road accident, metro news, Metro Manila, Tagalog News, PatrolPH, Metro Manila road accident