MAYNILA — Lampas 1,900 ang dagdag na nagkaroon ng COVID-19 sa Pilipinas kaya higit 513,000 na ang total cases sa bansa, base sa datos ng Department of Health ngayong Linggo.
Ayon sa DOH, may 1,949 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan para umakyat sa 513,619 ang kabuuang bilang.
Sa bilang na iyon, 27,765 ang active cases o iyong hindi pa gumagaling sa sakit.
Nakapagtala rin ang health department ng 7,729 bagong recoveries kaya umabot na sa 475,612 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa sakit.
Nasa 10,242 naman na ang death toll kasunod ng 53 bagong pagkamatay na naiulat ngayong Linggo.
Nanguna ang Davao City sa may pinakamaraming bagong COVID-19. Kasunod nito ang Quezon City, Cavite, Baguio City, at Leyte.
Sa buong mundo, pumalo na sa higit 98 milyon ang bilang ng nagkaka-COVID-19, kung saan 2.1 milyon naman ang namatay.
Nangunguna ang Amerika sa may pinakamaraming kaso ng sakit, na nasa 24.9 milyon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Covid-19, Covid-19 pandemic, Covid-19 cases, coronavirus Philippines update, Department of Health, TV Patrol