4 drug suspek, huli sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2021 07:33 AM | Updated as of Jan 24 2021 10:15 AM

Huli ang apat na tao sa magkahiwalay na operation sa lungsod ng Taguig. Kuha ng Taguig Police/Southern Police District

MAYNILA - Arestado ang dalawang babae at dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon ng awtoridad sa lungsod ng Taguig. 

Ayon sa Southern Police District, unang naaresto ang isang 32 anyos na babae sa Barangay New Lower Bicutan.

Nagkasa ng Oplan Galugad Anti-Criminality Operation ang mga pulis nang makita nila ang suspek na walang suot na face mask. Sinita nila ito dahil sa paglabag sa ordinansa at kinapkapan.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P3,400. 

Sa sumunod na operasyon, nahuli naman ang tatlong suspek sa Barangay Napindan.

Nagsagawa ng buybust operation ang Station Drug Enforcement Unit matapos makakuha ng tip ukol sa iligal na gawain ng mga suspek. 

Huli ang dalawang lalaki at isang babae na nakuhanan ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng higit P20,000. 

Nakakulong na ang mga drug suspek sa Taguig City Police Station.

- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC

RELATED VIDEO FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.