2 patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Davao City at Digos City

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2021 12:07 PM

Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng karinderya sa Davao City. Davao police

Patay ang 2 lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Davao City at Digos City nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad.

Sa Davao City, pinatay ang 42 anyos na si Antono Gealon sa loob ng karinderya sa Barangay Cabantian.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nananghalian lang ang biktima nang pumasok sa karinderya ang hindi pa nakikilalang salarin at binaril ito sa ulo.

Posibleng personal na alitan ang motibo sa krimen, sabi ng pulisya.

Patay naman si Florecito Anticamara, 48, habang nasa loob ng tindahan sa Barangay San Miguel sa Digos.

Tinamaan sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima gamit ang kalibre .45 na baril, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Nakatakas ang salarin, na isa umanong lalaking naka-denim pants at nakasakay ng motorsiklong walang plate number.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga salarin.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.