Pick-up van nahulog sa bangin, 2 sugatan

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 02:17 PM

Dalawa ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang isang government vehicle sa Baguio City.

Ayon kay Col. Allen Rae Co, ang chief of police ng Baguio, inihinto ni Ronnie Lazaro ang pick-up van ng Baguio Water District sakay ang kasamahang si Manny Flores sa Tetep-an Road, Bakakeng Sur.

Magbababa sana sila ng buhangin subalit umatras ang sasakyan at dumiretso sa banging may lalim na 10-metro at bumagsak sa isang manukan.

Dinala ang driver at pahinante sa Baguio General Hospital and Medical Center.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.