Magkaibigan, huli sa buy-bust sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 03:59 AM

MAKATI - Kalaboso ang 2 magkaibigan matapos silang mabilhan ng droga sa isang buy-bust Huwebes sa Makati City.

Ayon kay Police Lt. Jeson Vigilla ng Makati police, target ng kanilang operasyon si alyas Anu, 31 anyos at residente ng Consular Area, Fort Bonifacio. 

Nakipagkasundo ang target na makipagkita sa Barangay Comembo para isagawa ang transaksyon. 

Dumating sa pinagkasunduang lugar ang suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki mula sa Bayaga St. Zone 8 Cupang, Antipolo City.

Limang daang pisong halaga ng hinihinalang shabu ang binili ng police poseur buyer mula sa target. Matapos ang transaksyon ay inaresto na ang mga suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang nasa 26 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P17,000.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.