PatrolPH

Lalaking nahulihan ng baril sa Camarines Sur, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 05:34 AM

Timbog ang isang 22 anyos na lalaki matapos itong makuhaan ng baril Huwebes ng gabi sa Camarines Sur.

Ayon kay Police Maj. Allan Macoy Jr. ng Sipocot police, nahuli ang suspek na si Rodmar Gempisao, isang timekeeper, at residente ng Barangay Bel-Cruz, Lupi sa operasyon ng mga pulis habang nagaganap ang birthday celebration concert ni Gov. Miguel “Migs” Villafuerte III, sa may municipal plaza ng Barangay South Centro. 

Nakuha mula sa suspek ang isang cal. 45 na baril pero bigo itong makapagpakita ng permit to carry outside residence o kahit anong dokumento ng baril.

Kakasuhan ng paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang suspek. -Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.