Palaboy natagpuang patay sa Manila Bay

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 08:18 AM

MANILA - Natagpuang patay ang isang lalaking palaboy sa Manila Bay, Miyerkoles.

Kuwento ng mga kapwa street dweller, gabi-gabi umanong natutulog sa breakwater ang biktimang kilala sa pangalang Marty Martinez. Malamig na ang kaniyang katawan at hindi na magising nang matagpuan.

Mula anila sa Palawan si Martinez at walang kasamang pamilya.

Nangyari ang insidente ilang araw bago simulan ang rehabilitasyon ng Manila Bay sa Sabado, Enero 27.

Sa pag-iikot ng Radyo Patrol, kaunting basura lamang ang nakita sa dalampasigan, pero maraming street dweller ang napansing natutulog sa lugar.

Ulat ni Fred Cripres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.