Miyembro umano ng sindikato ng droga, patay sa engkuwentro sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 06:37 PM

Patay ang ang isang miyembro ng notoryus na sindikato matapos umanong manlaban sa sa mga pulis sa buy-bust operation na ikinasa sa bayan ng Balayan sa Batangas, Huwebes.

Napatay ng mga pulis si Lorenzo Vizconde na miyembro umano ng Mamayog Drug Group matapos umanong paputukan ang mga undercover na pulis na nakabili ng 2 sachet ng droga sa kaniya.

Itinakbo pa ang suspek sa Balayan Bay View Hospital and Medical Center ngunit idineklara itong dead on arrival.

Noong 2015, inaresto na si Vizconde dahil sa kasong kaugnay rin sa ilegal na droga pero nakalaya ito noong nakaraang taon dahil sa plea bargain.

Arestado naman ang kasama niyang si Manilyn Godes.